Sa araw-araw ng ating buhay ‘di natin
namamalayan na nagagamit natin ang ating dila sa mga walang kabuluhang
usapin at pananalita.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga halimbawang ginagawa ng tao ngayon gamit ang mga salitang namumutawi sa maliit nilang dila:1)REKLAMO- sa halip na magpasalamat sa Diyos na nagbigay ng buhay, madalas nagrereklamo tayo dahil sa maliit na bagay o sa mga luhong hindi nasusunod sa ating buhay, at dahil dito nakakapagsalita tayo ng hindi maganda at buong maghapon ay aburido.
Halimbawa, sa umaga pagkagising, ang taong reklamador ay hindi magagawang makapanalangin. Sa halip, ito’y maghahanap ng almusal at kapag walang mahanap, magrereklamo, magmumura at bubungangaan ang mga kasambahay.
2)PANGLALAIT- Ang taong laitero/pintasero ay isang taong walang ibang nakikitang maganda kundi ang kanilang mga sarili. Sarap na sarap mamintas ng kapwa ang ganitong klaseng tao. Katunayan, ang panglalait (na tinatawag ding pang-ookray) ay ginagawang lifestyle narin ng mundo at ito’y ginawa naring propesiyon at trabaho na kalat na kalat sa maraming comedy bars (ginagawang katatawanan ang kanilang kapwa).
Madalas, unang bungad palang ng ating kapwa, kapintasan niya agad ang ating unang nakikita.
Maging ang sariling katawan (na bigay ng Diyos) ay nalalait narin kaya pinagsusumikapang baguhin (retoke).
Isang halimbawa pa ng panlalait ay sa tuwing sinasabi nating tayo’y “tao lang” o “tao lang ako”. Dahilan ng iba, ito’y isang pagkilala o pag-amin na tayo daw ay isang makasalanan. Ang totoo, kung talagang aminado ka na ikaw ay makasalanan, aminin mo na lang nang deretsahan ang iyong nagawang pagkakamali sa halip na idahilan na ikaw’y “tao lang”. Hindi ka nilikha ng Diyos para maging “tao lang”, kundi nilikha ka ng Diyos upang maging “tao”. Humans are above all creations, kaya naman huwag mong ibaba ang pagkakalikha sa iyo ng Diyos. Ang salitang “tao lang” ay hindi salita ng pagpapakumbaba, kundi panlalait sa nilikha ng Diyos.
Noong grade school ako madalas malait yung mga iginuhit o “drawing” ko ng aking mga classmate. Nasasaktan ako dahil gawa ko yung pinipintasan nila. O anong sakit ang nadarama ng Diyos sa tuwing sinasabihan natin ang ating kapwa na “pangit ka!”.
3)CURSING- The opposite of blessing is curse. Blessing means life and curse means death.
“Malas na pamumuhay ‘to!” o “Buwisit na buhay ‘to”, madalas sabihin ng ilan. Hindi natin alam na kapag nabibigkas natin ang mga ganitong klaseng kataga, lalo tayong napapalayo sa isang sitwasiyon na pinakamimithi ng karamihan. Ang “prosperity” o kasaganahan. At sa tuwing nababanggit ang mga ganitong kataga hindi natin namamalayan, iniimbitahan natin ang espiritu ng kamalasan (tawagin mo ba naman ang malas,eh talagang lalapit sayo iyon). Dahilan naman ng iba, “kaya ko lang naman nasasabi ang ganun dahil ‘yun naman talaga ang nangyayari sa buhay ko”. Ang totoo, hindi mawawala sa mundong ito ang kahirapan, ngunit hindi rin naman nawawala ang blessings. Nasaan ang blessings? Nasa kamay ng Diyos. Ibig sabihin lapit ka sa Kanya. It’s your choice kung anong gusto mong imbitahan sa buhay mo. Pero ine-encourage kitang piliin ang blessing (Deuteronomy 30:19). Cursing words can curse your future and present life.
4)CHANNEL OF WEAKNESS AND DEPRESSION- Madalas nangyayari din na kapag ang kapwa natin ay nadedepress, instead na makapagbigay tayo encouragement, sila’y lalong nadedepress dahil sa mga salitang “ikaw kasi” o “kasalanan mo kung bakit ka nagkakaganyan!”. Do you think nakapagbigay ka ng comfort sa kapwa mo sa ganung pananalita?
“Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay ngunit ang mahayap na pangungusap ay masakit sa kalooban.” -Kawikaan 15:4
5)SINGING WORLDLY SONGS- Instead of singing heavenly songs, pinipili natin kung minsan ang mga makamundong awitin nang hindi namamalayan na mayroong kahalayan, pagtataksil, at kung anu-ano pang mga masasamang liriko ang nilalaman. Mayroong mga broken hearted na tao na broken hearted na nga, mga pang broken hearted pa na mga kanta ang inaawit (kaya lalong nasasaktan). Maraming nagagawa ang mga ganitong klaseng mga awitin. Ngunit isa lang ang patutunguhan nito-suicide! Suicide in emotional, mental, spiritual, relationhips and ofcourse physical aspects.
6)SPEAKING LIES- Minsan, kapag nagkukwento tayo sa ating kapwa, mayroong dagdag at bawas. At para maging sikat at upang hindi sabihing tayo’y napag-iiwanan, gagawa tayo ng kuwento upang maka ride-on sa kuwentuhan. At pagnagkakasala, gumagawa rin tayo ng kasinunglingan matakpan lang ang maling gawa. Ang kasinungalingan ay may kakayanang alipinin ang sinuman at winawasak nito ang iyong peace of mind. Ang taong sinungaling ay anak ng ama ng kasinungalingan (john 8:44). Speaking lies is speaking the language of hell.
7)TSISMIS- Asahan mo sa isang taong tsismosa/tsismoso wala silang ibang bukang bibig kundi kasiraan ng kapwa. Kung mahilig ka sa showbiz tsismis, nasa category karin ng pagiging tsismoso’t tsismosa. Pagkat private life ng mga celebrity ang iyong pinapakailaman at sila’y kapwa tao mo rin. Ang mga taong mahilig sa tsismis ay may dalang panganib sa bayan sapagkat may kakayanan silang pag away-awayin ang lahat ng tao.
“Ang pagsasalita ng mangmang ay humahanga sa kaguluhan, pagkat ang salita niya’y laging may bantang taglay. Ang bibig ng masama ang maghahatid sa kapahamakan at ang labi niya ang maglalagay sa kanya sa kapanganiban. Ang tsismis ay masarap pakinggan gustong-gusto ng lahat na pag-usapan.” -Kawikaan 18:6-8
8)WRONG PRAYER- Hindi masama ang manalangin para sa sarili. Ang masama, nananalangin tayo para sa sarili for self satisfatory lang. Nakakalimutan natin na kaya tayo tinutugon ng Diyos sa ating panalangin ay upang maibahagi natin sa iba ang pagpapalang ating natanggap. Nagiging makasarili tayo sa tuwing nagkakaroon tayo ng maling inensiyon sa pananalangin. Isa pang maling panalangin ay yaong panalangin na parang ginagawa nating utusan ang Diyos (DEMANDING!). Mayroon namang nananalangin para sa iba pero ganito ang gingawang panalangin-”matalisod ka sana”, “mamatay kana!”, “mamalasin ka rin” at iba pang tulad nito.
Kaibigan, alin sa mga ito ang nagagawa mo araw-araw? I suggest na every night before ending up your day, alalahanin mo ang mga nagawa mo sa buong maghapon. May nasabi kabang mga salitang walang kabuluhan? Ilapit mo sa Diyos and ask for forgiveness. And once na ito’y naisuko mo sa Kanya, you will receive forgiveness from Him and He will give you the courage to overcome those weaknesses. Tandaan mo kaibigan, lahat ng salitang walang kabuluhan na ating sinasabi ay ating pananagutan pagdating ng panahon (matthew 12:35-37).
“Ang dila ng matuwid ay tulad ng pilak na mahalaga, ngunit ang puso ng mangmang ay basura ang kapara.” -Kawikaan 10:20
WATCH YOUR TONGuE!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento