My Rooms

Sabado, Mayo 19, 2012

“The True Purpose of Our Tongue”


- Pinag-iisipan mo bang mabuti ang lahat ng salitang sasabihin mo? Ikaw lang ang makakasagot kung sa papaanong paraan mo ginagamit ang mga salitang dumadaloy mula sa iyong dila. I have meditated some points about the true purpose of our tongue. Yes! May totoong layunin ang pagkakalikha ng ating dila. Ito’y mahalagang malaman natin sapagkat madalas nagagamit natin sa walang kabuluhang bagay o usapin ang ating dila nang ‘di natin namamalayan.
Ang mga sumusunod ay maaari nating gawing pamantayan sa pang araw-araw na buhay. Pamantayan kung paano gamitin ng tama ang dila o ang mga salitang lumalabas rito.
Our tongue is designed-
1) To Thank GOD-­ lalo na sa umaga pagkagising, dapat lang na tayo’y magpsalamat dahil niloob ng Diyos na maimulat pa nating muli ang ating mga mata at muli pa nating makikita ang mga mahal natin sa buhay. Magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat pinagkatiwalaan Niya tayo ng buhay araw-araw at ito’y nangangahulugan na mayroon tayong gagampanang tungkulin.(you can thank God by singing or by just saying “thank You Lord” in prayer).
“O pasalamatan ang Diyos na si Yahweh, pagkat siya’y mabuti: Ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at nananatili.”
-Awit 118:1
2)To Praise God’s works-­ ­ isa sa mga “wonderfull works” ng Diyos ay ang itsura mo. Maging ang iyong kapwa ay master piece din ng Diyos, kaya kapag ito’y iyong naa-apreciate, you are touching the heart of God, at ‘yung nadaramang katuwaan ng Diyos dahil sa pagpaparangal mo sa Kanyang likha ay mag-uumapaw sa puso mo. Hindi naman siguro mahirap na sabihin sa iyong kapwa na siya’y maganda o gwapo o di kaya’y kahanga-hanga ang talent na binigay sa kanya ng Diyos. Palakpak tainga na ang iyong kapwa, napa-smile mo pa si Lord.
“Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan, Ang kahanga-hangang mga gawa niya’y dapat na isaysay.”
-Awit 105:2
3)To speak blessings hindi naman masama na sabihin mong “yayaman ako”, sapagkat kalooban naman talaga ng Lord na mag-prosper ka hindi lang financialy o materialy, kundi higit sa lahat, spiritualy. Speaking blessings is blessing your life from present to future. You can create your reality by choosing the right words to speak.
“Anumang sabihin ng tao’y kanyang panangutan Ayon sa salita niya ay gagantimpalaan.”  -Kawikaan 18:20
4) To sing heavenly songs- maraming nagagawa ang mga makalangit na awitin|
* It pleases God.
* It gives us spiritual refreshments.
* It inspires people who hears it.
* It can lead other people to repentance.
* It heals the wounded soul.
* It drives out evil spirits (such as bad moods, fears etc.)
“….Umawit kayo ng mga salmo, mga imno, at mga awiting espirituwal, na may pagpapasalamat sa Diyos.”
-Colosas 3:16
5)To be a channel of encouraging words-­ mabubuhay ang pag-asa ng taong lupaypay o depress kapag nakarinig ng mga salitang nakakapagpalakas ng kalooban mula sa’yo. Kahit hindi mag-open ng problema ang sinumang batbat ng suliranin, sila’y lalakas sa pamamagitan ng mga pangungusap mong nakapagpapalakas ng kalooban (at may pagkakataon ka pang maipakilala si Cristo sa taong nawawalan ng pag-asa).
“Ang salitang walang taros ay sumusugat ng damdamin, Ngunit sa magandang salita, sakit ng kalooban ay gumagaling.”                  -Kawikaan 12:18
6)To speak the truth-­ malayo sa kapahamakan at malaya sa pagka balisa at takot ang taong laging totoo kung mangusap. Sapagkat ang pagsasabi ng katotohanan ay pagtahak sa landas ng katuwiran at ang paglakad sa katuwiran ay pagtalima sa Salita ng Diyos. Telling the Truth is speaking the Word of God. Speaking the Word of God is speaking the heavenly language.
“Sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan, ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan.”
-Kawikaan 12:17
7)To share life’s testimony- ipagsabi natin kung gaano kabuti ang Diyos sa atin upang malaman ng iba na talagang buhay at may malasakit sa lahat ang Diyos na ating nilalapitan.
“Dapat na si Yahweh, itong Panginoon, ay pasalamatan, Ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa’y ipaalam.”
-Awit 105:1
8)To Pray-­ pray for yourself to be bless so that you can be a blessing to other people. Pray for others so that they can be a blessing for you. Pray for the wounded hearts and heavily burdened. And ofcourse, Pray for those who don’t know God, na nawa sila din ay makatanggap ng Salvation mula sa Lord.
“Ang lahat ng ito’y gawin ninyo sa pamamagitan ng mga panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Kaya’t lagi kayong maging handa, at patuloy na manalangin para sa lahat ng hinirang ng Diyos”      -Efeso 6:18
Try to practice these things everyday and you will have a fantastic lifestyle! Try mo lang. Use your toungue wisely!
P.S.
may kabaligtaran ang mga points na ibinigay ng Lord about the true purpose of our tounge. Kaya kung wala kapang nagagawa isa man dito, siguradong ang mga kabaligtaran ng mga ito ang naisasagawa mo. We will discuss about the evil usage of our tongue...ABANGAN………

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento