My Rooms

Sabado, Mayo 19, 2012

Love God above all

Lucas 14:26
“Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sarili nang higit sa akin.”
Ok, maaaring sabihin mong “mahirap palang maging alagad ng Diyos sa tindi ng kondisyong hinihingi nito.” Dalawang puwersa ang umiiral sa mundong ito.
1)      Puwersa ng Liwanag na kinabibilangan ng mga anak/alagad ng Diyos.
John 1:12; I John 3:4
2) Puwersa ng kadiliman na kinabibilangan ng mga anak/alagad ng diyablo.  John 8:44; I John 2:22
Kung tatanggi kang maging alagad ng Diyos, mayroong natitirang isang puwersa na maaaring tumanggap sa’yo sapagkat tinanggihan mo ang kabilang panig. Pero naniniwala akong ayaw mong mapabilang sa puwersa ng kadiliman.
Kung binasa ninyo po ng mainam ang sinasabi sa talatang ating tinunghayan, hindi Niya sinabing huwag nating ibigin ang mga mahal natin sa buhay at ang ating sarili, sapagkat ang mga mahal mo ay mahal rin Niya kasama ka. Nais ng Panginoon na siya’y ibigin natin, higit pa sa lahat ng bagay. Nais Niyang Siya ang maging first priority mo sa buhay. Ngunit ang nagiging problema, kung minsan ang mga mahal mo pa sa buhay ang nagiging hadlang sa pagkakaroon mo ng magandang relasyon sa Diyos, dahilan sa sobra-sobra (to the highest level) na pagpapahalaga mo sa kanila.
Share ko lang:
Kapatid, maraming bagay sa buhay ko ang kinalimutan alang-alang kay LORD. Ilan na do’n yung mga minahal kong girls noon, lalo na yung first girl friend ko. Pinahalagahan ko siya ngunit ang pagpapahalagang ibinigay ko’y hindi na tama kaya niloob ng LORD na kami’y maghiwalay. Katulad din siya nu’ng una kong niligawan bago siya (to all the girls I’ve love before). Sa maling pagpapahalaga, nakalimutan kong may JESUS pala na dapat kong pahalagahan higit sa kanila. Nakaramdam ako ng sobrang depression nang mawala ang mga taong pinahalagahan ko na akala ko’y sila’y sapat na upang maging masaya. Kulang pa pala. Without Christ, our lives will never be complete (di katulad ng mga vitamins, complete from A to Zinc). Nang sila’y kalimutan ko, pinagpatuloy ko ang aking paglilingkod sa LORD bilang mang-aawit, mananayaw, at manunugtog narin. Isang araw, itong mga taong iniyakan ko noon ay ibinalik sa akin ng Lord in a different kind of way (English yun). Yung unang girl na minahal ko (ngunit di kami nagkatuluyan) ay may boy friend na at patuloy na paring naglilingkod sa Lord as usherette at mananayaw din. Maging yung first girl friend ko patuloy parin sa paglilingkod sa LORD bilang mananayaw (di naman ako masyadong mahilig sa dancer, no?). Silang lahat ay nagging friend ko ulit at ito’y nakapagbigay ng kaluwagan sa aking puso dahil nagging Malaya ako sa sama ng loob. Hindi naman madamot ang Diyos kahit na tayo’y nagging madamoy sa Kanya. Kaya nga lang masyado nating pinupuno ang ating puso ng maraming bagay-bagay at hindi Siya makapasok sa ating buhay. Kaya gumagawa Siya ng paraan upang mjapansin mo an gang Kanyang pagmamahal na hindi kayang ibigay ng mundong ito.
Kaya ngayon, lagging ipinapaalala ng Espiritu ng LORD, “If you value your love ones, start loosing them for GOD, and you will win more than them”, Mark 10:29-30
“Don’t be afraid to love but don’t be afraid to loose them for GOD
Because He can bring back all the things that you’ve lost”
“Pain might come, but keep on holding to what GOD has promised
He knows best”.
Oo nga pala, mahal na mahal ko ang nanay ko na iniwan kami nung grade 3 palang ako sa kadahilanang malabo parin sa akin hanggang ngayon. Mahirap po ang hindi mko makasama ang iyong ina for many years nang wala man lang communications at di malaman ung siya’y patay na o buhay pa. But one thing I know, God has a promised! At dahil sa pangako ng Diyos, ako po’y umaasa na magkikita pa ng aking ina.
“Let Thy will be done my Lord”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento