My Rooms

Sabado, Mayo 19, 2012

5 Loaves and Two Fishes part 2

(see part 1)
GOD needs our participation for Him to work His miracle in your life and to other people.
Kaso we always depend in our own knowledge kaya hindi natin makita ang galaw ng DIYOS in a particular area of our lives.
May mga halimbawa akong ibabahagi na kadalasan nating hindi maibigay sa DIYOS kaya naman nauuwi tayo sa  frustrations.
  1. AMBITION – isa sa mga ipinagdadamot natin sa Diyos. May mga ambis’yon na hindi natutupad dahil hindi humahakbang ang taong nangangarap patungo sa kanyang ambis’yon. May mga tao namang nakakatupad ng kanilang ambition dahil sa sariling sikap ngunit nauwi sa wala ang lahat. Ang ambition kasi na walang kasamang panalangin ay walang katuturan da hil wala itong matibay na pundas’yon kaya pagnagkaroon ng problema, madaling bumabagsak. Maraming nakakatapos ng pag-aaral pero nauuwi sa mababang uri ng trabaho. Ang ambition na walang panalangin ay maari ding magpahamak sa isang tao dahil he will pursuekahit ito makakasama na sa kanya.Ang bawat pangarap ay may landas na tinatahak and you will get there safe if you ask for guidance. Pray to GOD, ask for directions. Kung may pangarap ka, may pangarap din ang DIYOS sa iyo mas maganda pa. GOD knows best, surrender your ambitions and dreams to HIM.
For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.
-Jeremiah 29:11
If any of you lacks wisdom, you should ask God, who gives generously to all without finding fault, and it will be given to you.
-James 1:5
     2. BURDEN – Minsan ang tao lalong pinabibigat ang kanilang stuation. One example are those what we called workaholic. Trabaho ng trabaho ‘di nagtagal nagkasakit at ‘yungsahod kulang pa sa pagpapagamot. ‘Yung iba naman pati problema ng iba pinapasan kaya imbis na makatulong, nakakadagdag pa ng problema. “Carry your own cross” sabi ng Panginoong JESUS (matthew16:24). Kung ibig mong tumulong sa iba, tumulong kana lang ng abot kaya ng may kagalakan at huwag pahirapan ang sarili.Ang mabigat na dalahin ino-offer sa Diyos at kung gusto mo tawagin mo ang kapit bahay mong may malaki ring dala-dalahin at sabay katong manalangin. Malaki ang magagawa ng ng sama-samang pananalangin at mapapagaan nito ang mabigat na pasanin. Offer your burdens to GOD and He will make it light (matthew 11:28). God cares (Ipeter5:7).
3.  FEARS – May taong takot ma-reject sa pag-aaply ng trabaho kaya hindi na niya sinubukang mahanap nagtrabaho. May taong takot masaktan sa pag-ibig kaya tumanda ng walang partner. ‘Yung iba naman takot tumayo tuwing gabi when they get urinated (naiihi) kasi takot sa dilim at gumagawa ng sariling multo kaya sa pagpipigil niya ng ihi tuwing gabi, nagkasakit sa bato. Kaya hindi tayo umaasenso sa buhay dahl sa takot. Kahit maganda ang opportunity, hindi gina-grab because of fear of the unknown. Kaya kung pelikula ang buhay natin nasa category tayo ng horror. Let’s oofer our fears to GOD and HE will change it in to courage. Papalakasin ng Diyos ang ating kalooban at ang ang Kanyang pagsama sa atin ay maaasahan.
Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the LORD your God will be with you wherever you go.
-Joshua 1:9
4. TIME – Natitmbang mo ba ang buong maghapon mo? How much time do you spend in watching TV, palying games, going shopping and many more activities? How much time do you spend praying and reading GOD’s Words? Large percent of church goers are not really serious about what they do inside the church. Kakaunting oras na nga lang hindi pa maibigay ng buo para sa DIYOS. Sa BIBLE nga isang araw ang para sa DIYOS, at ang isang araw antin ay 24 hours. Everyday hindi napapansinng tao na nakakalimutan nilang dumulog sa Panginoon tapos kapag may matinding trials sa Diyos ang sisi. Nag-uumapaw ang biyaya ng Diyos sa isang araw ni hindi man lang natin magawang magpasalamat sa Kanya. Nakakalungkot kung minsan dahl may mga taong nagkakaroon lang ng serious time sa Diyos kapag may matinding pangangailangan. Pa’no kaya kung bawat oxygen na nilalanghap natin ay may bayad, magkano na kaya ‘yung bills natin? Let’s make it a habit to spend time with GOD everyday. Bago man lang magkape sa umaga, give thanks to your CREATOR. Offer your quality Time to GOD. It’s better to spend time with GOD than waste it for worldly activities.
Better is one day in your courts
   than a thousand elsewhere;
I would rather be a doorkeeper in the house of my God
   than dwell in the tents of the wicked.
- Psalms 84:10
5. TALENT – Bawat isa ay may angking talento. Talent is a special ability that GOD has given to every individual for HIS purpose. Biyaya ng LORD ang talent but sadly, many people use it for fame, influence and money. Huwag na tayong lumayo, s amga singers and dancers (hindi lahat) uses their talentsjust to entertain. Minsan lang ma-acknowledge ang DIYOS sa mga shows nila nasa hulihan pa. Sa mga concerts ng mga sikat na banda, sino ang pinapalakpakan? Ang Diyos ba? Hindi diba? I pray na nawa that this country (and also outside this country) be filled with people who are willing to offer their talents for the glory of GOD. Give your talent to GOD, that’s a life having a good purpose.
We have different gifts, according to the grace given to each of us. If your gift is prophesying, then prophesy in accordance with your faith.
- Romans 12:6
6. TREASUREMostly, people are willing to waste money for self pleasures. They buy more expensive things such as jewelry, gadgets and many more just to make themselves look like a Christmas Tree. Sa mamahaling restaurant kumakain pero taningin mo kung naisipang bumili ng Bible o ng mga Christian books that will nourish their spiritual lives. Kung meron man silang Bible, ito kaya’y napapakinabangan pa? O baka naman ‘di na mabasa ang mga letters nito dahil sa sobrang luma at punit-ounit pa. Ang mga Church goers, some of them are going to mall after church pero tanungin mo kung magkano ang offering niya para sa Diyos. Hindi humihingi ang DIYOS ng malaki pero sana kung mag-oofer ka ng Treasure sa LORD, huwag naman ‘yung tira-tira. Hindi naman masasayang ‘yan dahil mapupunta ‘yan sa pagpapalaganap ng WORD of GOD. Maraming maliligtas because of your contribution para sa Kaharian ng Diyos. Offer your Treasure to GOD and trust HIM. GOD has a promise for those who are willing to give.
Give, and it will be given to you. A good measure, pressed down, shaken together and running over, will be poured into your lap. For with the measure you use, it will be measured to you.
- Luke 6:38
Finally. LOVE – Ang lahat ng anim na nauna ay balewala kung wala kang kayang ibigay na Pag-ibig. Don’t just say that “I love GOD”, “I trust in GOD”, “I serve GOD”. But rather say those words accompanied by the fruits of loving HIM. Isang halimbawa, pa’no mo masasabing mahal mo ang Diyos kung ‘yung kamag-anak mo o kaibigan na nagkasala sa iyo 3 days ago ay hindi mo mapatawad samantalang nung tinanggap mo si CRISTO as your personal LORD and SAVIOR nalaman mong pinatawad kana 2,000 years ago. Wake up my friend! Jesus said that we must forgive 70×7 A DAY (matthew 18:21-22)!!!! If we love GOD, we will love also those He loves. Even those who hates us (matthew5:44).  Love GOD above all and let your self an extension of GOD’s love. Loving your neighbors and enemies is a product of loving GOD. Have an offering of love.
Whoever claims to love God yet hates a brother or sister is a liar. For whoever does not love their brother and sister, whom they have seen, cannot love God, whom they have not seen.
- I John 4:20
Balikan po natin ‘yung story about the boy’s offering of 5 loaves and two fishes (see part 1).
  • May AMBITION ang batang ito na makakain ng masarap na baon pero ibinigay niya parin kay Jesus.
  • Malalaki ang size ng mga tinapay at isda noon ngunit nang ito’y inoffer ng bata sa Panginoon, his BURDEN became light.
  • The boy didn’t FEAR na maubusan ng pagkain.
  • The boy offered his TIME listening to JESUS kaya nabuksan ang kanyang damdamin and he offered his TALENT in giving the TREASURE  in his hands.
  • I believe that the boy became compassionate in the needs of his fellowmen. Hindi niya maibibigay ang kanyang kayamanan ng buong-buo kung walang nabuong LOVE sa kanyang pagkatao.
Well, ito’y palagay ko lang ngunit dahil sa ginawa ng batang ito, nakagawa ng miracle ang Panginoong JESUS at marami  ang nakinabang.
How about you? Do you see your self in this boy’s attitude?
Meditate the song below from Corrine May as you step forwardin offering your own 5 Loaves and 2 Fishes.


5 Loaves and 2 Fishes

John 6:1-13
1 After this, Jesus crossed the Sea of Galilee — or of Tiberias-
2 and a large crowd followed him, impressed by the signs he had done in curing the sick.
3 Jesus climbed the hillside and sat down there with his disciples.
4 The time of the Jewish Passover was near.
5 Looking up, Jesus saw the crowds approaching and said to Philip, ‘Where can we buy some bread for these people to eat?’
6 He said this only to put Philip to the test; he himself knew exactly what he was going to do.
7 Philip answered, ‘Two hundred denarii would not buy enough to give them a little piece each.’
8 One of his disciples, Andrew, Simon Peter’s brother, said,
9 ‘Here is a small boy with five barley loaves and two fish; but what is that among so many?’
10 Jesus said to them, ‘Make the people sit down.’ There was plenty of grass there, and as many as five thousand men sat down.
11 Then Jesus took the loaves, gave thanks, and distributed them to those who were sitting there; he then did the same with the fish, distributing as much as they wanted.
12 When they had eaten enough he said to the disciples, ‘Pick up the pieces left over, so that nothing is wasted.’
13 So they picked them up and filled twelve large baskets with scraps left over from the meal of five barley loaves.

Nowadays, many of us are like Philip [in the Gospel we have read]. We don’t know what to do in a very difficult situation. Just imagine, papakainin mo 5,000 people. Hindi nga lang 5,000 yun kasi hindi pa counted dun ‘yung mga babae’t bata. Kung sa ating sariling pamamaraan, talagang mahirap. But in a very hard situation, GOD knows what to do (verse 6).Sinubukan ng Panginoong Jesus ang pananalig ni Philip nang tanungin Niya ito kung saan makabibili ng tinapay upang makakain ang more than 5,000katao. Si philip naman (o felipe) ay mas’yadong nag-isip sa tanong ng Panginoon. Oo nga naman, pa’no nga naman natin magagawang pakainin ang ganon karaming tao samantalang kung minsan sa 5 pirasong miyembro lang ng pamilya ay ‘di pa sapat ang kinakain? Mga organizations nga na nagco-conduct ng mga feeding program ay katatakot-takot na plano ang hinahanda nila dahil kailangan nilang pag planuhan ang panggagalingan ng kanilang ipapakain. Pero iba ang pamamaraan ng DIYOS. Ang ginamit ni Philip na  way of thinking ay sa tao. Iba ang way of thinking ng Panginoong Jesus at alam Niya kung anong gagawin niya sa mga ganoong sitwasyon.
   Ang malaking problemang to ay nabigyang solusyon ng isang batang may baon na limang tinapay at dalawang isda. Yes nakakain ang more than 5,000 people dahil sa batang ito na hindi nagdamot sa kanyang munting baon.
   Kung minsan kasi kapag may problema, tayo’y nakatingin sa magagawa natin samantalangmalaki naman ang magagawa ng DIYOS. Malaking kasiraan kung minsan ang paggamit ng common sense ng tao. Katulad ni Philip, hindi niya naisip nang mga panahon  iyon ay marami nang nagawang miracles ang Panginoong Jesus. Bakit kaya hindi nya naisip na may magagawa ang Panginoong Jesus sa situation na ‘yun? Dahil katulad natin kung minsan, nakadepende tayo sa ating sariling common sense at sa common sense ng DIYOS. Hindi makakilos sa ating buhay ang kapangyarihan ng DIYOS dahil hindi natin maisuko ang sarili natin dahil hindi natin maamin na may short comings tayo. We always depend on our own ways.
But unlike the boy who offered his five loaves and two fishes, he contributed all that he has and did not think of his self. Marahil maaring sabihin ng iba na hindi siya nag-iisip kasi mapapasama siya sa karamihan na walang makakain dahil hindi aabot ang limang tinapay at dalawang isda sa 5,000. But GOD’s ways are not like our ways. GOD only wants the best we can do to participate in His works. Hindi naman Niya tayo pupuwersahin na mag produce ng mga bagay na kailangan Niya to perform a miracle. Our best effort is not. Nang dahil sa munting contribution ng batang ito kay JESUS, nakakain ang more than 5,000 people at sumobra pa (verse 12-13).
  Tayo po ba sa ating buhay nakakagalaw ang kapangyarihan ng DIYOS? What are your Five Loaves and Two Fishes in life? Are you willing to lose it for GOD?
Trust in the LORD with all your heart
   and lean not on your own understanding;
 in all your ways submit to him,
   and he will make your paths straight.
-Proverbs 3:5-6

The Wrong Usage of your tongue

Sa araw-araw ng ating buhay ‘di natin namamalayan na nagagamit natin ang ating dila sa mga walang kabuluhang usapin at pananalita.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga halimbawang ginagawa ng tao ngayon gamit ang mga salitang namumutawi sa maliit nilang dila:
1)REKLAMO- sa halip na magpasalamat sa Diyos na nagbigay ng buhay, madalas nagrereklamo tayo dahil sa maliit na bagay o sa mga luhong hindi nasusunod sa ating buhay, at dahil dito nakakapagsalita tayo ng hindi maganda at buong maghapon ay aburido.
Halimbawa, sa umaga pagkagising, ang taong reklamador ay hindi magagawang makapanalangin. Sa halip, ito’y maghahanap ng almusal at kapag walang mahanap, magrereklamo, magmumura at bubungangaan ang mga kasambahay.
2)PANGLALAIT- Ang taong laitero/pintasero ay isang taong walang ibang nakikitang maganda kundi ang kanilang mga sarili. Sarap na sarap mamintas ng kapwa ang ganitong klaseng tao. Katunayan, ang panglalait (na tinatawag ding pang-ookray) ay ginagawang lifestyle narin ng mundo at ito’y ginawa naring propesiyon at trabaho na kalat na kalat sa maraming comedy bars (ginagawang katatawanan ang kanilang kapwa).
Madalas, unang bungad palang ng ating kapwa, kapintasan niya agad ang ating unang nakikita.
Maging ang sariling katawan (na bigay ng Diyos) ay nalalait narin kaya pinagsusumikapang baguhin (retoke).
Isang halimbawa pa ng panlalait ay sa tuwing sinasabi nating tayo’y “tao lang” o “tao lang ako”. Dahilan ng iba, ito’y isang pagkilala o pag-amin na tayo daw ay isang makasalanan. Ang totoo, kung talagang aminado ka na ikaw ay makasalanan, aminin mo na lang nang deretsahan ang iyong nagawang pagkakamali sa halip na idahilan na ikaw’y “tao lang”. Hindi ka nilikha ng Diyos para maging “tao lang”, kundi nilikha ka ng Diyos upang maging “tao”. Humans are above all creations, kaya naman huwag mong ibaba ang pagkakalikha sa iyo ng Diyos. Ang salitang “tao lang” ay hindi salita ng pagpapakumbaba, kundi panlalait sa nilikha ng Diyos.
Noong grade school ako madalas malait yung mga iginuhit o “drawing” ko ng aking mga classmate. Nasasaktan ako dahil gawa ko yung pinipintasan nila. O anong sakit ang nadarama ng Diyos sa tuwing sinasabihan natin ang ating kapwa na “pangit ka!”.
3)CURSING- The opposite of blessing is curse. Blessing means life and curse means death.
“Malas na pamumuhay ‘to!” o “Buwisit na buhay ‘to”, madalas sabihin ng ilan. Hindi natin alam na kapag nabibigkas natin ang mga ganitong klaseng kataga, lalo tayong napapalayo sa isang sitwasiyon na pinakamimithi ng karamihan. Ang “prosperity” o kasaganahan. At sa tuwing nababanggit ang mga ganitong kataga hindi natin namamalayan, iniimbitahan natin ang espiritu ng kamalasan (tawagin mo ba naman ang malas,eh talagang lalapit sayo iyon). Dahilan naman ng iba, “kaya ko lang naman nasasabi ang ganun dahil ‘yun naman talaga ang nangyayari sa buhay ko”. Ang totoo, hindi mawawala sa mundong ito ang kahirapan, ngunit hindi rin naman nawawala ang blessings. Nasaan ang blessings? Nasa kamay ng Diyos. Ibig sabihin lapit ka sa Kanya. It’s your choice kung anong gusto mong imbitahan sa buhay mo. Pero ine-encourage kitang piliin ang blessing (Deuteronomy 30:19). Cursing words can curse your future and present life.
4)CHANNEL OF WEAKNESS AND DEPRESSION- Madalas nangyayari din na kapag ang kapwa natin ay nadedepress, instead na makapagbigay tayo encouragement, sila’y lalong nadedepress dahil sa mga salitang “ikaw kasi” o “kasalanan mo kung bakit ka nagkakaganyan!”. Do you think nakapagbigay ka ng comfort sa kapwa mo sa ganung pananalita?
“Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay ngunit ang mahayap na pangungusap ay masakit sa kalooban.” -Kawikaan 15:4
5)SINGING WORLDLY SONGS- Instead of singing heavenly songs, pinipili natin kung minsan ang mga makamundong awitin nang hindi namamalayan na mayroong kahalayan, pagtataksil, at kung anu-ano pang mga masasamang liriko ang nilalaman. Mayroong mga broken hearted na tao na broken hearted na nga, mga pang broken hearted pa na mga kanta ang inaawit (kaya lalong nasasaktan). Maraming nagagawa ang mga ganitong klaseng mga awitin. Ngunit isa lang ang patutunguhan nito-suicide! Suicide in emotional, mental, spiritual, relationhips and ofcourse physical aspects.

6)SPEAKING LIES
- Minsan, kapag nagkukwento tayo sa ating kapwa, mayroong dagdag at bawas. At para maging sikat at upang hindi sabihing tayo’y napag-iiwanan, gagawa tayo ng kuwento upang maka ride-on sa kuwentuhan. At pagnagkakasala, gumagawa rin tayo ng kasinunglingan matakpan lang ang maling gawa. Ang kasinungalingan ay may kakayanang alipinin ang sinuman at winawasak nito ang iyong peace of mind. Ang taong sinungaling ay anak ng ama ng kasinungalingan (john 8:44). Speaking lies is speaking the language of hell.
7)TSISMIS- Asahan mo sa isang taong tsismosa/tsismoso wala silang ibang bukang bibig kundi kasiraan ng kapwa. Kung mahilig ka sa showbiz tsismis, nasa category karin ng pagiging tsismoso’t tsismosa. Pagkat private life ng mga celebrity ang iyong pinapakailaman at sila’y kapwa tao mo rin. Ang mga taong mahilig sa tsismis ay may dalang panganib sa bayan sapagkat may kakayanan silang pag away-awayin ang lahat ng tao.
“Ang pagsasalita ng mangmang ay humahanga sa kaguluhan, pagkat ang salita niya’y laging may bantang taglay. Ang bibig ng masama ang maghahatid sa kapahamakan at ang labi niya ang maglalagay sa kanya sa kapanganiban. Ang tsismis ay masarap pakinggan gustong-gusto ng lahat na pag-usapan.” -Kawikaan 18:6-8
8)WRONG PRAYER- Hindi masama ang manalangin para sa sarili. Ang masama, nananalangin tayo para sa sarili for self satisfatory lang. Nakakalimutan natin na kaya tayo tinutugon ng Diyos sa ating panalangin ay upang maibahagi natin sa iba ang pagpapalang ating natanggap. Nagiging makasarili tayo sa tuwing nagkakaroon tayo ng maling inensiyon sa pananalangin. Isa pang maling panalangin ay yaong panalangin na parang ginagawa nating utusan ang Diyos (DEMANDING!). Mayroon namang nananalangin para sa iba pero ganito ang gingawang panalangin-”matalisod ka sana”, “mamatay kana!”, “mamalasin ka rin” at iba pang tulad nito.
Kaibigan, alin sa mga ito ang nagagawa mo araw-araw? I suggest na every night before ending up your day, alalahanin mo ang mga nagawa mo sa buong maghapon. May nasabi kabang mga salitang walang kabuluhan? Ilapit mo sa Diyos and ask for forgiveness. And once na ito’y naisuko mo sa Kanya, you will receive forgiveness from Him and He will give you the courage to overcome those weaknesses. Tandaan mo kaibigan, lahat ng salitang walang kabuluhan na ating sinasabi ay ating pananagutan pagdating ng panahon (matthew 12:35-37).
“Ang dila ng matuwid ay tulad ng pilak na mahalaga, ngunit ang puso ng mangmang ay basura ang kapara.”  -Kawikaan 10:20
WATCH YOUR TONGuE!

“The True Purpose of Our Tongue”


- Pinag-iisipan mo bang mabuti ang lahat ng salitang sasabihin mo? Ikaw lang ang makakasagot kung sa papaanong paraan mo ginagamit ang mga salitang dumadaloy mula sa iyong dila. I have meditated some points about the true purpose of our tongue. Yes! May totoong layunin ang pagkakalikha ng ating dila. Ito’y mahalagang malaman natin sapagkat madalas nagagamit natin sa walang kabuluhang bagay o usapin ang ating dila nang ‘di natin namamalayan.
Ang mga sumusunod ay maaari nating gawing pamantayan sa pang araw-araw na buhay. Pamantayan kung paano gamitin ng tama ang dila o ang mga salitang lumalabas rito.
Our tongue is designed-
1) To Thank GOD-­ lalo na sa umaga pagkagising, dapat lang na tayo’y magpsalamat dahil niloob ng Diyos na maimulat pa nating muli ang ating mga mata at muli pa nating makikita ang mga mahal natin sa buhay. Magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat pinagkatiwalaan Niya tayo ng buhay araw-araw at ito’y nangangahulugan na mayroon tayong gagampanang tungkulin.(you can thank God by singing or by just saying “thank You Lord” in prayer).
“O pasalamatan ang Diyos na si Yahweh, pagkat siya’y mabuti: Ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at nananatili.”
-Awit 118:1
2)To Praise God’s works-­ ­ isa sa mga “wonderfull works” ng Diyos ay ang itsura mo. Maging ang iyong kapwa ay master piece din ng Diyos, kaya kapag ito’y iyong naa-apreciate, you are touching the heart of God, at ‘yung nadaramang katuwaan ng Diyos dahil sa pagpaparangal mo sa Kanyang likha ay mag-uumapaw sa puso mo. Hindi naman siguro mahirap na sabihin sa iyong kapwa na siya’y maganda o gwapo o di kaya’y kahanga-hanga ang talent na binigay sa kanya ng Diyos. Palakpak tainga na ang iyong kapwa, napa-smile mo pa si Lord.
“Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan, Ang kahanga-hangang mga gawa niya’y dapat na isaysay.”
-Awit 105:2
3)To speak blessings hindi naman masama na sabihin mong “yayaman ako”, sapagkat kalooban naman talaga ng Lord na mag-prosper ka hindi lang financialy o materialy, kundi higit sa lahat, spiritualy. Speaking blessings is blessing your life from present to future. You can create your reality by choosing the right words to speak.
“Anumang sabihin ng tao’y kanyang panangutan Ayon sa salita niya ay gagantimpalaan.”  -Kawikaan 18:20
4) To sing heavenly songs- maraming nagagawa ang mga makalangit na awitin|
* It pleases God.
* It gives us spiritual refreshments.
* It inspires people who hears it.
* It can lead other people to repentance.
* It heals the wounded soul.
* It drives out evil spirits (such as bad moods, fears etc.)
“….Umawit kayo ng mga salmo, mga imno, at mga awiting espirituwal, na may pagpapasalamat sa Diyos.”
-Colosas 3:16
5)To be a channel of encouraging words-­ mabubuhay ang pag-asa ng taong lupaypay o depress kapag nakarinig ng mga salitang nakakapagpalakas ng kalooban mula sa’yo. Kahit hindi mag-open ng problema ang sinumang batbat ng suliranin, sila’y lalakas sa pamamagitan ng mga pangungusap mong nakapagpapalakas ng kalooban (at may pagkakataon ka pang maipakilala si Cristo sa taong nawawalan ng pag-asa).
“Ang salitang walang taros ay sumusugat ng damdamin, Ngunit sa magandang salita, sakit ng kalooban ay gumagaling.”                  -Kawikaan 12:18
6)To speak the truth-­ malayo sa kapahamakan at malaya sa pagka balisa at takot ang taong laging totoo kung mangusap. Sapagkat ang pagsasabi ng katotohanan ay pagtahak sa landas ng katuwiran at ang paglakad sa katuwiran ay pagtalima sa Salita ng Diyos. Telling the Truth is speaking the Word of God. Speaking the Word of God is speaking the heavenly language.
“Sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan, ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan.”
-Kawikaan 12:17
7)To share life’s testimony- ipagsabi natin kung gaano kabuti ang Diyos sa atin upang malaman ng iba na talagang buhay at may malasakit sa lahat ang Diyos na ating nilalapitan.
“Dapat na si Yahweh, itong Panginoon, ay pasalamatan, Ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa’y ipaalam.”
-Awit 105:1
8)To Pray-­ pray for yourself to be bless so that you can be a blessing to other people. Pray for others so that they can be a blessing for you. Pray for the wounded hearts and heavily burdened. And ofcourse, Pray for those who don’t know God, na nawa sila din ay makatanggap ng Salvation mula sa Lord.
“Ang lahat ng ito’y gawin ninyo sa pamamagitan ng mga panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Kaya’t lagi kayong maging handa, at patuloy na manalangin para sa lahat ng hinirang ng Diyos”      -Efeso 6:18
Try to practice these things everyday and you will have a fantastic lifestyle! Try mo lang. Use your toungue wisely!
P.S.
may kabaligtaran ang mga points na ibinigay ng Lord about the true purpose of our tounge. Kaya kung wala kapang nagagawa isa man dito, siguradong ang mga kabaligtaran ng mga ito ang naisasagawa mo. We will discuss about the evil usage of our tongue...ABANGAN………

Love God above all

Lucas 14:26
“Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sarili nang higit sa akin.”
Ok, maaaring sabihin mong “mahirap palang maging alagad ng Diyos sa tindi ng kondisyong hinihingi nito.” Dalawang puwersa ang umiiral sa mundong ito.
1)      Puwersa ng Liwanag na kinabibilangan ng mga anak/alagad ng Diyos.
John 1:12; I John 3:4
2) Puwersa ng kadiliman na kinabibilangan ng mga anak/alagad ng diyablo.  John 8:44; I John 2:22
Kung tatanggi kang maging alagad ng Diyos, mayroong natitirang isang puwersa na maaaring tumanggap sa’yo sapagkat tinanggihan mo ang kabilang panig. Pero naniniwala akong ayaw mong mapabilang sa puwersa ng kadiliman.
Kung binasa ninyo po ng mainam ang sinasabi sa talatang ating tinunghayan, hindi Niya sinabing huwag nating ibigin ang mga mahal natin sa buhay at ang ating sarili, sapagkat ang mga mahal mo ay mahal rin Niya kasama ka. Nais ng Panginoon na siya’y ibigin natin, higit pa sa lahat ng bagay. Nais Niyang Siya ang maging first priority mo sa buhay. Ngunit ang nagiging problema, kung minsan ang mga mahal mo pa sa buhay ang nagiging hadlang sa pagkakaroon mo ng magandang relasyon sa Diyos, dahilan sa sobra-sobra (to the highest level) na pagpapahalaga mo sa kanila.
Share ko lang:
Kapatid, maraming bagay sa buhay ko ang kinalimutan alang-alang kay LORD. Ilan na do’n yung mga minahal kong girls noon, lalo na yung first girl friend ko. Pinahalagahan ko siya ngunit ang pagpapahalagang ibinigay ko’y hindi na tama kaya niloob ng LORD na kami’y maghiwalay. Katulad din siya nu’ng una kong niligawan bago siya (to all the girls I’ve love before). Sa maling pagpapahalaga, nakalimutan kong may JESUS pala na dapat kong pahalagahan higit sa kanila. Nakaramdam ako ng sobrang depression nang mawala ang mga taong pinahalagahan ko na akala ko’y sila’y sapat na upang maging masaya. Kulang pa pala. Without Christ, our lives will never be complete (di katulad ng mga vitamins, complete from A to Zinc). Nang sila’y kalimutan ko, pinagpatuloy ko ang aking paglilingkod sa LORD bilang mang-aawit, mananayaw, at manunugtog narin. Isang araw, itong mga taong iniyakan ko noon ay ibinalik sa akin ng Lord in a different kind of way (English yun). Yung unang girl na minahal ko (ngunit di kami nagkatuluyan) ay may boy friend na at patuloy na paring naglilingkod sa Lord as usherette at mananayaw din. Maging yung first girl friend ko patuloy parin sa paglilingkod sa LORD bilang mananayaw (di naman ako masyadong mahilig sa dancer, no?). Silang lahat ay nagging friend ko ulit at ito’y nakapagbigay ng kaluwagan sa aking puso dahil nagging Malaya ako sa sama ng loob. Hindi naman madamot ang Diyos kahit na tayo’y nagging madamoy sa Kanya. Kaya nga lang masyado nating pinupuno ang ating puso ng maraming bagay-bagay at hindi Siya makapasok sa ating buhay. Kaya gumagawa Siya ng paraan upang mjapansin mo an gang Kanyang pagmamahal na hindi kayang ibigay ng mundong ito.
Kaya ngayon, lagging ipinapaalala ng Espiritu ng LORD, “If you value your love ones, start loosing them for GOD, and you will win more than them”, Mark 10:29-30
“Don’t be afraid to love but don’t be afraid to loose them for GOD
Because He can bring back all the things that you’ve lost”
“Pain might come, but keep on holding to what GOD has promised
He knows best”.
Oo nga pala, mahal na mahal ko ang nanay ko na iniwan kami nung grade 3 palang ako sa kadahilanang malabo parin sa akin hanggang ngayon. Mahirap po ang hindi mko makasama ang iyong ina for many years nang wala man lang communications at di malaman ung siya’y patay na o buhay pa. But one thing I know, God has a promised! At dahil sa pangako ng Diyos, ako po’y umaasa na magkikita pa ng aking ina.
“Let Thy will be done my Lord”